Malalaking negosyo ang pinipili ang lungsod ng Quezon dahil ito diumano ang may pinaka -mataas na bilang ng mga registered enterprises sa buong bansa. Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, ang pagtaas ng bagong negosyo sa QC ng may 12,000 kada taon ay bunga ng patuloy na pagpupursigi ng lokal na pamahalaan na maging produktibo ang bawat taon para sa kapakanan ng mga taga lungsod. Sinabi rin ni Mayor Bautista na mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, ang lungsod ay nakalikom ng P1.51 bilyon mula sa real property taxes. Ipinagmalaki rin ni Bautista na sa ngayon ay umaabot na lamang sa 20-minute ang proseso ng mga papeles sa QC hall kayat walang dahilan para magsayang ng oras ang bawat indibidwal sa pag aayos ng kanilang mga negosyo at property.-(Philstar)
Alam naman natin na napakasikat at malaki ang quezon city.. Nakakamangha ang mga impormasyon na ibinigay niyo sa amin.. Alam din natin na mahirap pangaralan o pamunuan ang lugar na may malaking populasyon. Ang galing-galing ng kanilang mayor :D
TumugonBurahinTama ang sinasabi niyong isang Good Choice ang Quezon City sapagkat para sa akin advance na ang teknolohiya dito sa Quezon City. Isang good choice nga na lugar ika nga. Sa laki nito at dami ng populasyon maraming pasilidad at imprasraktura na itinayo dito ng gobyerno. Dito ako pinanganak sa Quezon City kaya ito'y aking masasabi na ang Quezon City nga ay GOOD CHOICE.
TumugonBurahin