Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Ang mga Kwentong Bayan sa Lungsod ng Quezon


Misteryo sa Balete Drive
Maraming mga samu't saring kwento ang pumapalibot at tumatakot sa mga tao sa amin, kapag narinig ang kwento, tungkol sa "Misteryo sa Balete Drive". Marami kasi ang nagsasabi na taxi driver na pagka may hinatid sila na dalawang mag-asawa roon ay sa isang kisapmata lamang ay maglalaho ito. Alam natin na, ang Balete Drive ay nakalokasyon sa aming lungsod, kung kaya'y marami ang lubos na naniniwala rito. Wala mang makapagsabi kung totoo ang kuro-kurong ito ay kung matapang ka, tangkilikin mo ang kwentong ito.

Bakit May Pulang Palong ang mga Manok?

Kayo ba'y nagtataka kung bakit may pulang palong ang mga manok? Kami rin ay nagtataka kung bakit. Kung nais mong malaman ang sagot, ay basahin mo ang kwentong "Bakit May Pulang Palong ang mga Manok?" at magiging interesado ka! Ang kwentong ito ay sikat maging sa ibang panig ng ating bansa. Nais mo bang mabasa yan? Tara na, punta na sa aming lungsod.

Si Mariang Mapangarapin
Kung puro ka lang pangarap at di mo naman nagagawa ng maayos upang makamit ito ay aba para kang si “Mariang Mapangarapin”.Sa kwentong ito, nakapaloob rito ang mensahe na "Gawin ang layunin ng maayos, upang makamit ang nais".   Siguro'y interesado ka na! Aba't ano pang hinihintay mo, punta na sa aming lungsod!



  

4 (na) komento:

  1. gusto ko pong pumunta sa balete drive XD di pa ako nakakaranas na makakita ng multo eh. baka kasi makakita ako diyan XD nice blog nga pala! :) andami kong nalaman tungkol sa quezon :D minsan lang kasi ako makapunta dyan eh

    TumugonBurahin
  2. Haha :) Ang ganda ng blog niyo ang dami kong natutunan

    TumugonBurahin
  3. salamat! nakatulong po ito sa aking research material :D

    TumugonBurahin
  4. Hi followers
    😁😁😁😁😘😁😁

    TumugonBurahin