Huwebes, Pebrero 21, 2013

Ang Awitin ng Quezon City

Lungsod Quezon naming mahal 
Araw mo ay saganang tunay
 Sa amin ang alab mo’y buhay 
Sa’yo buong sigla kami’y nagpupugay
 Dito’y ilaw ang diwa mo 
Hiyas ka ng bayang sinisinta 
Dito’y nupling mithiing banal 
Sa’yo ang pag-ibig namin at dangal
 Lungsod Quezon naming mahal 
Araw mo ay saganang tunay
Sa amin ang alab mo’y buhay 
Sa’yo buong sigla kami’y nagpupugay
 Lungsod Quezon, aming mahal
 Pugad ka ng laya’t kagitingan
 Dito’y nupling mithiing banal 
Sa’yo ang pagibig namin at dangal 
Sayo’y ang pagibig namin at buhay 
 Sa pagnanais kong matutunan, 
sa kagustuhan kong mapakinggan, 
aking hinanap ang himig ng kanta na akin nama’y natagpuan.


Paulit-ulit ko itong pinatugtog
at paulit-ulit umalingawngaw ang tunog
sa mga dingding pumapatalbog
dito sa aking bahay kyusing lungsod.
Subalit di ko mailapat ng maigi
ang mga salita sa nanginginig na himigMula sa channel ni Spy Full (http://www.youtube.com/user/spysvideo).

7 komento:

  1. Nice! Dahil sa blog na ito, nalaman ko na ang Quezon City ay isa palang ''Hollywood Capital ng Pilipinas''.

    TumugonBurahin
  2. maganda nag blod marami akong antutunan tungkol sa lugar ng quezon

    TumugonBurahin
  3. Ang ganda ng blog niyo. Madaming impormasyon ang nakapaloob dito =)))

    TumugonBurahin
  4. maayos nman yung blog.. pero d ko magets topic nyo e. parang masyadong nkapaloob sa mga mayor. :)

    TumugonBurahin
  5. maganda siya pero pang bitin, mas gaganda kung maraming info

    TumugonBurahin
  6. Maayos sana yung pagkakagawa, pero sana nag focus kayo sa topic nyo at dinagdagan nyo pa ng information. =)

    TumugonBurahin