Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Ang mga Sining sa Lungsod ng Quezon


Hardin ng Siyam na Diwata ng Sining
Kung ikaw ay mapaparaan sa UP Diliman ay, silipin mo na rin ang kilalang obra maestra ni Napoleon Abueva roon, ito'y kilala bilang "Hardin ng Siyam na Diwata ng Sining". Sa obrang ito ay kanyang binigyang pansin ang iba't ibang larangan ng sining, kabilang na rito ang Literatura, Teatro, Arkitektura, Pagpipinta, Eskultura, Musika, Sayaw, at Pelikula. Tiyak na ikaw ay mamamangha sa obrang ito.

Ang Monumento ni Andres Bonifacio sa Quezon City Hall:
Bago ka mag-ayos ng iyong gamit at pumunta sa aming lungsod , basahin mo muna ito. Kung ikaw ay mapapadaan sa Quezon City Hall, Tiyak ay makikita mo ang "Monumento ni Andres Bonifacio", na siyang obra ni Francisco Verano, wag ka sanang malilito sa Monumento ni Bonifacio sa Caloocan City, dahil ang monumento ni Andres Bonifacio sa Quezon City ay nsa may City Hall. Dito ay makikita mo na may hawak siyang espada na nagpapakita na siya ang bumuo ng Katipunan. 

Bantayog ng mga Bayani

Sa may lungsod namin, marami talagang obra, kabilang rito ang isa pang iskultura, ang "Bantayog ng mga Bayani". Ito'y kilalang gawa ni Eduardo Castrillo na syang kilala bilang isa sa mga tagapaglawaglandas ng mga sining at paggawa ng mga iskultura tulad nito. Tinatayang 45 na piye ang taas ng obrang ito. Kung inyong susuriin, makikita nyo na mayroong isang nalaglag na bayani, na itinataas ng isang babae, na syang kumukatawan sa ating Inang Bayan, na syang akmang tinatanaw ang kasalukuyan na sumisimbolo sa pananalig ng bawat isa sa kabila ng pagtatagumpay mula sa kabihasnan. Sa may bandang ibaba naman ay nakasulat doon ang akdang "Mi Ultimo Adios" (Ang Huling Paalam) na syang ginawa ng pambansang bayaning si Jose Rizal. Ang obrang ito ay nagbibigay parangal rin sa mga nagpakapasakit noong pamamamahala ni Marcos, pati na rin ang mga kilalang bayani ng bansa. Kung hahanapin nyo man ito ay matatagpuan nyo habang dumadaan ka sa Quezon Avenue.





1 komento:

  1. Ang ayos ng blog nyo. Ang daming inpormasyon tungkol sa Quezon. Sana makadaan ako sa Balete Drive. Sabi nila nakakatakot daw doon, gusto kong masubukan! :)

    TumugonBurahin