Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Pagkilala sa Bise- Alkalde ng Lungsod


Siya si Gng. Ma. Josefina "Joy" Belmonte- Alimuring, ang kasalukuyang bise- alkalde ng Lungsod ng Quezon. Ang babaeng ito ay naniniwala at sumusuporta sa paglilinang sa kababaihan na hindi dapat sila naapi  subalit, sila dapat ay nirerespeto rin. Sa kasalukuyan, ang bise- alkalde ay ang Pampanguluhang Opisyal ng Konseho ng Lungsod ng Quezon, siya rin ang namumuno sa "Komite ng Iwas- Kahirapan sa Lungsod ng Quezon", kasabay din nito ang kanyang pagiging Vice Chairperson sa Komite sa Pagbabawas ng Panganib at Kalamidad ng Lungsod ng Quezon". O, di ba? Mapapansin mo na ang alkalde maging ang bise- alkalde nito ay dedikado sa kanilang trabaho, ginagawa ang lahat upang maging maunlad, produktibo at kaaya- aya ang lungsod maging ang mga mamamayan nito. O, saan ka pa? Lipat na sa Quezon City!

Ang mga Sining sa Lungsod ng Quezon


Hardin ng Siyam na Diwata ng Sining
Kung ikaw ay mapaparaan sa UP Diliman ay, silipin mo na rin ang kilalang obra maestra ni Napoleon Abueva roon, ito'y kilala bilang "Hardin ng Siyam na Diwata ng Sining". Sa obrang ito ay kanyang binigyang pansin ang iba't ibang larangan ng sining, kabilang na rito ang Literatura, Teatro, Arkitektura, Pagpipinta, Eskultura, Musika, Sayaw, at Pelikula. Tiyak na ikaw ay mamamangha sa obrang ito.

Ang Monumento ni Andres Bonifacio sa Quezon City Hall:
Bago ka mag-ayos ng iyong gamit at pumunta sa aming lungsod , basahin mo muna ito. Kung ikaw ay mapapadaan sa Quezon City Hall, Tiyak ay makikita mo ang "Monumento ni Andres Bonifacio", na siyang obra ni Francisco Verano, wag ka sanang malilito sa Monumento ni Bonifacio sa Caloocan City, dahil ang monumento ni Andres Bonifacio sa Quezon City ay nsa may City Hall. Dito ay makikita mo na may hawak siyang espada na nagpapakita na siya ang bumuo ng Katipunan. 

Bantayog ng mga Bayani

Sa may lungsod namin, marami talagang obra, kabilang rito ang isa pang iskultura, ang "Bantayog ng mga Bayani". Ito'y kilalang gawa ni Eduardo Castrillo na syang kilala bilang isa sa mga tagapaglawaglandas ng mga sining at paggawa ng mga iskultura tulad nito. Tinatayang 45 na piye ang taas ng obrang ito. Kung inyong susuriin, makikita nyo na mayroong isang nalaglag na bayani, na itinataas ng isang babae, na syang kumukatawan sa ating Inang Bayan, na syang akmang tinatanaw ang kasalukuyan na sumisimbolo sa pananalig ng bawat isa sa kabila ng pagtatagumpay mula sa kabihasnan. Sa may bandang ibaba naman ay nakasulat doon ang akdang "Mi Ultimo Adios" (Ang Huling Paalam) na syang ginawa ng pambansang bayaning si Jose Rizal. Ang obrang ito ay nagbibigay parangal rin sa mga nagpakapasakit noong pamamamahala ni Marcos, pati na rin ang mga kilalang bayani ng bansa. Kung hahanapin nyo man ito ay matatagpuan nyo habang dumadaan ka sa Quezon Avenue.





Ang mga Kwentong Bayan sa Lungsod ng Quezon


Misteryo sa Balete Drive
Maraming mga samu't saring kwento ang pumapalibot at tumatakot sa mga tao sa amin, kapag narinig ang kwento, tungkol sa "Misteryo sa Balete Drive". Marami kasi ang nagsasabi na taxi driver na pagka may hinatid sila na dalawang mag-asawa roon ay sa isang kisapmata lamang ay maglalaho ito. Alam natin na, ang Balete Drive ay nakalokasyon sa aming lungsod, kung kaya'y marami ang lubos na naniniwala rito. Wala mang makapagsabi kung totoo ang kuro-kurong ito ay kung matapang ka, tangkilikin mo ang kwentong ito.

Bakit May Pulang Palong ang mga Manok?

Kayo ba'y nagtataka kung bakit may pulang palong ang mga manok? Kami rin ay nagtataka kung bakit. Kung nais mong malaman ang sagot, ay basahin mo ang kwentong "Bakit May Pulang Palong ang mga Manok?" at magiging interesado ka! Ang kwentong ito ay sikat maging sa ibang panig ng ating bansa. Nais mo bang mabasa yan? Tara na, punta na sa aming lungsod.

Si Mariang Mapangarapin
Kung puro ka lang pangarap at di mo naman nagagawa ng maayos upang makamit ito ay aba para kang si “Mariang Mapangarapin”.Sa kwentong ito, nakapaloob rito ang mensahe na "Gawin ang layunin ng maayos, upang makamit ang nais".   Siguro'y interesado ka na! Aba't ano pang hinihintay mo, punta na sa aming lungsod!



  

Ang Pagkilos ng Punong Alkalde

Sa bidyong ito, makikita nyo na ang alkalde ng Quezon City ay ginagawa ng mabuti ang tungkulin upang maging maunlad, produktibo at masagana ang lungsod pati na mismo ang mga mamamayan nito.


Biyernes, Pebrero 22, 2013

Lungsod ng Quezon ay Good Choice!

Malalaking negosyo ang pinipili ang lungsod ng Quezon dahil ito diumano ang may pinaka -mataas na bilang ng mga registered enterprises sa buong bansa.   Ayon kay QC Mayor Herbert  Bautista, ang pagtaas ng bagong negosyo sa QC ng may 12,000 kada taon ay bunga ng patuloy na pagpupursigi ng lokal na pamahalaan na maging produktibo ang bawat taon para sa kapakanan ng mga taga lungsod.  Sinabi rin ni Mayor Bautista na mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, ang lungsod ay nakalikom ng P1.51 bilyon mula sa real property taxes. Ipinagmalaki rin ni Bautista na sa ngayon ay umaabot na lamang sa 20-minute ang proseso ng mga papeles sa QC hall kayat walang dahilan para magsayang ng oras ang bawat indibidwal sa pag aayos ng kanilang mga negosyo at property.-(Philstar)


Huwebes, Pebrero 21, 2013

Ang Punong Alkalde


Siya ang alkalde ng Lungsod ng Quezon. Siya ay dating isang artistang Pilipino, na sa kasalukuyan ay namamahala sa Lungsod ng Quezon  at ginagawa ang lahat ng makakakaya upang mas lalong mapaunlad at mapasikat ang tinaguriang Hollywood Capital ng Pinas. Siya nga pala si Herbert Constantine Maclang Bautista, ang ika- sampung alkalde ng lungsod ng Quezon. 

Ang Awitin ng Quezon City

Lungsod Quezon naming mahal 
Araw mo ay saganang tunay
 Sa amin ang alab mo’y buhay 
Sa’yo buong sigla kami’y nagpupugay
 Dito’y ilaw ang diwa mo 
Hiyas ka ng bayang sinisinta 
Dito’y nupling mithiing banal 
Sa’yo ang pag-ibig namin at dangal
 Lungsod Quezon naming mahal 
Araw mo ay saganang tunay
Sa amin ang alab mo’y buhay 
Sa’yo buong sigla kami’y nagpupugay
 Lungsod Quezon, aming mahal
 Pugad ka ng laya’t kagitingan
 Dito’y nupling mithiing banal 
Sa’yo ang pagibig namin at dangal 
Sayo’y ang pagibig namin at buhay 
 Sa pagnanais kong matutunan, 
sa kagustuhan kong mapakinggan, 
aking hinanap ang himig ng kanta na akin nama’y natagpuan.


Paulit-ulit ko itong pinatugtog
at paulit-ulit umalingawngaw ang tunog
sa mga dingding pumapatalbog
dito sa aking bahay kyusing lungsod.
Subalit di ko mailapat ng maigi
ang mga salita sa nanginginig na himigMula sa channel ni Spy Full (http://www.youtube.com/user/spysvideo).

Miyerkules, Pebrero 20, 2013

INTRODUKSIYON

Isang makulay na araw sa inyong lahat! O, kumusta ka? Kung iyong mamarapatin, kami ay ilan sa mga mag-aaral na nagmula sa City of Mandaluyong Science High School. Kami ang magpapakita at maghahayag sa inyo ng kagandahan ng Lungsod ng Quezon, ang lungsod na ito ay kilala rin bilang Hollywood Capital ng 'Pinas. Itong blog na ito ay ginawa para sa isang proyektong panturismo, at kami'y naatasan upang ipakilala ang kagandahan ng Lungsod na ito. Muli, isang makulay na araw sa lahat at sana ay mag- enjoy kayo sa pagsulyap sa kagandahan ng Lungsod na ito. Yun lamang po at maraming salamat!